Nangungulila ako sa iyong yakap…
Sapagkat ngayong gabi,
magpupumilit sumiping sa akin
ang lamig at pag-iisa.
Walang kumot na papawi
sa kurot ng ginaw.
At alaala mo lamang
ang tangi kong unan.
Hahanapin ko na lang
ang iyong init
sa aking panaginip.
Upang payapa kong salubungin
ang ningning ng umaga,
kasabay ng aking pananabik sa iyong ganda.
Oman Bañez
28 Marso 2009
Mag-iwan ng puna